Biyernes, Marso 3, 2017

Pagtatalumpati-bilang isang estudyante

      Bilang isang estudyante ay sa pag-aaral umiikot ang ating mundo dahil ito ang ating pangalawang tahanan. Dito din natin matutunan kung paano natin haharapin ang ating mga pagsubok at dito din natin malalaman ang ating kinabukasan sa hinaharap. Ang pag-aaral ay susi sa ating kinabukasan upang tayo'y umahon sa ating kahirapan at upang tayo'y makatulong sa pag-unlad ng ating bansa.

      May mga ibang bata na naghahangad na makapag-aral upang sila'y makaahon sa kahirapan ngunit dahil sa kakulangan ng badget ang kanilang mga hangarin ay hanggang pangarap na lang. Ngunit may mga ibang studyante din na inaabuso nila ang pagsisikap,pagtitiyaga at paghihirap na itinataya ng kanilang mga magulang para lang makapag-tapos sila sa pag-aaral dahil mas inuuna pa nila ang pakipaglalakwatsa at pagbili ng kung anu-anong bagay na walang kinalaman sa kanilang pag-aaral. Hindi nila iniisip o nararamdaman ang paghihirap ng kanilang mga magulang upang sila'y makapag-tapos.

      Mga kapwa ko mag-aaral huwag naman nating sayangin o abusohin ang oras at panahon na tayo ay makapag-tapos. Suklian naman natin ang mga paghihirap at pagsisikap na inilalaan ng ating mga magulang para sa atin dahil ito lang ang ating kayang iganti sa kanila. Ng sa gayon ay matuwa at maibsan ang kanilang paghihirap at pagtitiis na naramdaman o naranasan ng ating mga magulang. Sama-sama nating abutin ang ating mga pangarap upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan na maipagmamalaki natin sa buong mundo.