Biyernes, Marso 3, 2017

Pagtatalumpati-bilang isang estudyante

      Bilang isang estudyante ay sa pag-aaral umiikot ang ating mundo dahil ito ang ating pangalawang tahanan. Dito din natin matutunan kung paano natin haharapin ang ating mga pagsubok at dito din natin malalaman ang ating kinabukasan sa hinaharap. Ang pag-aaral ay susi sa ating kinabukasan upang tayo'y umahon sa ating kahirapan at upang tayo'y makatulong sa pag-unlad ng ating bansa.

      May mga ibang bata na naghahangad na makapag-aral upang sila'y makaahon sa kahirapan ngunit dahil sa kakulangan ng badget ang kanilang mga hangarin ay hanggang pangarap na lang. Ngunit may mga ibang studyante din na inaabuso nila ang pagsisikap,pagtitiyaga at paghihirap na itinataya ng kanilang mga magulang para lang makapag-tapos sila sa pag-aaral dahil mas inuuna pa nila ang pakipaglalakwatsa at pagbili ng kung anu-anong bagay na walang kinalaman sa kanilang pag-aaral. Hindi nila iniisip o nararamdaman ang paghihirap ng kanilang mga magulang upang sila'y makapag-tapos.

      Mga kapwa ko mag-aaral huwag naman nating sayangin o abusohin ang oras at panahon na tayo ay makapag-tapos. Suklian naman natin ang mga paghihirap at pagsisikap na inilalaan ng ating mga magulang para sa atin dahil ito lang ang ating kayang iganti sa kanila. Ng sa gayon ay matuwa at maibsan ang kanilang paghihirap at pagtitiis na naramdaman o naranasan ng ating mga magulang. Sama-sama nating abutin ang ating mga pangarap upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan na maipagmamalaki natin sa buong mundo.

Martes, Pebrero 28, 2017

Posisong Papel-Buwis

Maraming mga ordinaryong tao ang nagtatanong kung bakit bigla na lang tumataas ang mga presyo ng mga bilihin. Lahat ng ating mga bilihin ay may mga buwis na nakikita sa resibo ng ating mga bilihin. Ang mga mamamayan ay nagtatanong kung bakit ang mga bilihin ay kusang nagtataasan dahil sa planong pagtataas ng excise tax sa mga produktong petrolyo at paniningil ng buwis sa dating tax-free na diesel na tinaguriang poor man's oil. Kasama rin sa paglalakihan ay ang sin tax o buwis sa mga bisyo ngunit may balak din naman na paliitin ang buwis para sa mga ordinaryong empleyado. Ito ang gagawing adjusment sa income tax return o ITR at ang sakop ng mga exempted sa buwis sa pamamagitan ng pag-adjust sa income bracket na hindi bubuwisan. Maging ang mga taong nasa ibang bansa ay binubuwisan ang kanilang ipinapadalang pera ng 12% VAT.

Ang mga suliraning panlupa ay naging sanhi ng pag-aalsa na minsan ay nauuwi sa pagdanak ng dugo dahil sa hindi pagkakaunawaan ng bawat grupo. Para sa atin ang pagbabayad ng buwis ay mabigat ito para sa atin lalong-lalo na sa mga taong mahihirap. Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares na dapat tayong lahat ay magbayad ng tama sa buwis dahil obligasyon ng bawat isa sa atin na magbayad ng buwis.  Dito kasi tayo kumukuha ng suporta upang ang mga pamahalaan ay makakilos at makapag-patayo ng mga gusaling pampaaralan,health center pati na ang paggawa ng maayos na kalsada at mga kalye. Ayon sa R.A. no. 7160 o mas kilala bilang local government code na ang tinatawag na realty tax o amilyar na sinisingil at binabayaran sa local government units tulad ng bayan,lungsod o lalawigan para sa lupa,bahay at kagamitan. Ang basehan ng pagbabayad ng "amilyar" ay ang tax declaration ng lupa at bahay/gusali at may hiwalay na realty tax na binabayaran naman para sa bahay o gusali na nakatayo sa lupa na kung tawagin ay "improvements". Ayon naman sa section 261 ng R.A 7160 na ang may-ari ng lupa ay may karapatang iredeem o bilhin muli ito sa pamamagitan ng pagbayad sa local treasure. Ang redemtion ay mababalewala ang katibayan ng pagbebentang nagbigay sa mga mamimili at sa may-ari ng real property ay dapat nakapangalan sa certificate ng redemption.

Dapat nating tandaan na magbayad ng tamang buwis dahil ito ang ating responsibilidad at ang responsibilidad ng mga pamahalaan ay gastusin para sa kapakanan ng buong bayan at ang pagbabayad natin sa buwis ay nagsisilbing paraan upang mabago ang ginagawa ng mga tao. Ginagamit din ito upang suportahan ang iba't ibang programa sa lipunan,gaya ng sa kapaligiran.

Martes, Pebrero 14, 2017

PANANALIKSIK

PANANALIKSIK

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.

                Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

                Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel: 1976).
                Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. 

                Maidaragdag din sa ating mga definisyon ang kina E. Trece at J. W. Trece (1973) na  nagsasaad na ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon.
                                
Ayon kay Calderon at Gonzales (1993):

     this is a  systematic and scientific process of  gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting andinterpreting data for the  solution of a problem, expansion or  verification of existing knowledge, all for the presentation and improvement of the quality of human life. 

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

  • Pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preservasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.
  • “  The purpose of research is to serve man and the goal is the good life”

Ayon kina Calderon at Gonzales(1993): Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tiyak na layunin ng pananaliksik:

1.       Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
2.       Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at informasyon.
3.       Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produko.
4.       Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
5.       Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
6.       Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik.
7.       Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.


KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK

1.       Ang pananaliksik ay sistematik.
may sinunud itong proseso o mag kasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

2.       Ang pananaliksik ay kontrolado.
                -lahat ng varyabol na sinusuri ay kailangan mapanatiling konstant. Hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong maganap sa sabjek na pinag-aaralan ay maiiuugnay sa eksperimental na varyabol.

3.       Ang pananaliksik ay emprikal.
                - kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap

4.       Ang pananaliksik ay mapanuri.
        -sa pananaliksik, ang mga datos na nalakap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nalakap.

5.       Ang pananaliksik ay objektiv, lohikal at walang pagkiling.
        - lahat ng tuklas at mga konklusyon  ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na mga datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta sa pananaliksik

6.       Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwanttiteytiv o istatiskal na metodo.
                - ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagagan.

7.       Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.
                - maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.

8.       Ang pananaliksik ay isang akyuret na investigasyon, obserevasyon at deskripsyon.
                 - bawat aktividad na pananaliksik ay kailangang maisagawa ng tumpak o akyuret nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga syentifikong panlalahat.

9.       Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.
                - kailangang pagtiyagaan ng mananaliksik ang bawat hakbang, sa pananaliksik upang matiyak ang katumpakan o accuracy nito.

10.   Ang pananaliksik ay pinagsisikapan.
                - walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap, kaya kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.

11.   Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat.
                 - lahat ng datos na nakalap ay maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay  maaaring makaapekto sa mga tuklas na pananaliksik.


12.   Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat
-Kalingan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel, para sa angkop na dokyumentasyon at kadalasan sa pasalitang paraan o ang tinatawag na oral presentation defense.



Mga Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik

  1. MASIPAG
  2. Matiyaga
  3. Maingat
  4. Sistematik
  5. Kritikal o mapanuri

PANANAGUTAN NG PANANALIKSIK

                KATAPATAN – ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ito ay kailangang maipamalas niya sa mga pagkilala ng kanyang pinagkunan ng datos o impormasyon.  Nangangahulugan ito na:

1.       Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.
2.       Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala.
3.       Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang pagkilala.
4.       Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argument o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang particular na pananaw.
5.       Ayon kay Atienza, ang pinakamahalagang pananagutan ay ang pagtiyak na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon ng kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.

Ang Isyu ng Plagyarismo

Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.

Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo.

Ito ay may sinusunod na etika/ Code of Ethics
  Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo.
  Ito ay may kabigatang parusa.
  Ito ay magdudulot ng kahihiyan sa isang taong may pinag-aralan.

Noong 1996, si Atienza at ang kanyang mga kasamahan ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng plagyarismo at mga kaparusahang maaaring ipataw sa plagyarista

  Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi itinala ang pinagkunan.
  Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan.
  Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan
  Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinala na isalin ang mga ito,
  Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at hindi kinilala ang pinagkunan ng “insipirasyon”, at
  Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at ipinalabas niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito.

Parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista ay ang mga sumusunod:

  Pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng 5.0 (lagpak na marka)para sa kurso,
  Kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikin ang estudyante sa universidad.
  Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri o
  Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual Property Rights Law at maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo

Source:

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. 2006. Kritikal na Pagbasa at Lohikal  na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing Hiuse Inc.