Maraming mga ordinaryong tao ang nagtatanong kung bakit bigla na lang tumataas ang mga presyo ng mga bilihin. Lahat ng ating mga bilihin ay may mga buwis na nakikita sa resibo ng ating mga bilihin. Ang mga mamamayan ay nagtatanong kung bakit ang mga bilihin ay kusang nagtataasan dahil sa planong pagtataas ng excise tax sa mga produktong petrolyo at paniningil ng buwis sa dating tax-free na diesel na tinaguriang poor man's oil. Kasama rin sa paglalakihan ay ang sin tax o buwis sa mga bisyo ngunit may balak din naman na paliitin ang buwis para sa mga ordinaryong empleyado. Ito ang gagawing adjusment sa income tax return o ITR at ang sakop ng mga exempted sa buwis sa pamamagitan ng pag-adjust sa income bracket na hindi bubuwisan. Maging ang mga taong nasa ibang bansa ay binubuwisan ang kanilang ipinapadalang pera ng 12% VAT.
Ang mga suliraning panlupa ay naging sanhi ng pag-aalsa na minsan ay nauuwi sa pagdanak ng dugo dahil sa hindi pagkakaunawaan ng bawat grupo. Para sa atin ang pagbabayad ng buwis ay mabigat ito para sa atin lalong-lalo na sa mga taong mahihirap. Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares na dapat tayong lahat ay magbayad ng tama sa buwis dahil obligasyon ng bawat isa sa atin na magbayad ng buwis. Dito kasi tayo kumukuha ng suporta upang ang mga pamahalaan ay makakilos at makapag-patayo ng mga gusaling pampaaralan,health center pati na ang paggawa ng maayos na kalsada at mga kalye. Ayon sa R.A. no. 7160 o mas kilala bilang local government code na ang tinatawag na realty tax o amilyar na sinisingil at binabayaran sa local government units tulad ng bayan,lungsod o lalawigan para sa lupa,bahay at kagamitan. Ang basehan ng pagbabayad ng "amilyar" ay ang tax declaration ng lupa at bahay/gusali at may hiwalay na realty tax na binabayaran naman para sa bahay o gusali na nakatayo sa lupa na kung tawagin ay "improvements". Ayon naman sa section 261 ng R.A 7160 na ang may-ari ng lupa ay may karapatang iredeem o bilhin muli ito sa pamamagitan ng pagbayad sa local treasure. Ang redemtion ay mababalewala ang katibayan ng pagbebentang nagbigay sa mga mamimili at sa may-ari ng real property ay dapat nakapangalan sa certificate ng redemption.
Dapat nating tandaan na magbayad ng tamang buwis dahil ito ang ating responsibilidad at ang responsibilidad ng mga pamahalaan ay gastusin para sa kapakanan ng buong bayan at ang pagbabayad natin sa buwis ay nagsisilbing paraan upang mabago ang ginagawa ng mga tao. Ginagamit din ito upang suportahan ang iba't ibang programa sa lipunan,gaya ng sa kapaligiran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento